Tl:Gabay sa mga baguhan
Ang gabay sa mga baguhan ang magpapakita sa inyo kung paano magdagdag ng datos sa OpenStreetMap.
Kailangan niyo ng kompyuter na nakakonekta sa Internet at panahon para magkalap ng impormasyon at ipasok ang mga ito. Ang yunit ng GPS at kableng pangkonekta ay opsiyonal lamang, ngunit kinakailangan ito kung nais ninyong magkolekta ng datos sa paraang iyon. Dahil mayroon nang maganda (ngunit minsang wala-sa-panahon) na litratong kuha mula sa ere, ang GPS ay di na gaano mahalaga di tulad sa simula ng proyektong ito.
Nagmamadali?
Kung nais niyo na mag-edit agad, bisitahin ang https://www.openstreetmap.org/, i-zoom ang isang lugar, at iklik ang "edit". (Kailangan niyo muna ng account). Ang default na editor ay may kasamang gabay na magtuturo sa inyo ng mga pangunahing kaalaman. Maari rin mong iklik ang kasamang buton na "help" sa anumang oras.
Kapag komportable na kayo sa mapa, inirerekomenda na bumalik kayo muli dito at pag-aralan ang iba pang detalye.
- Gamitin ang mga kahong may link sa itaas upang i-navigate ang gabay na ito. Ang pahina kung saan kayo naroroon ay magiging bold.
- Sa halip, gamitin ang mga link sa footer patungo sa kasunod o nakaraang pahina.
- Maari niyo lang lampasan ang mga bahaging "tingnan din"; naroon kung saan pa kayo maaaring magpunta para sa karagdagang tulong.
- Di kailangang magmadali, maari kayong bumalik sa pahinang ito sa anumang panahon kung mayroon pa kayong tanong.